I was the first councilor assigned to deliver a speech for City Hall’s 2nd flag raising ceremony for this term. Though I was already used to giving various speeches all over, I felt anxious over this one since this will be the first time that the Mayor and the Vice Mayor, as well as all the employees of the Q.C. Hall will be hearing me deliver a speech. Nonetheless, I think I did well. I consider this one of the more memorable events in my political career, hence I will try my very best to transcribe this extemporaneous speech.
July 16, 2007
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Bago ang lahat, nais ko munang batiin ang ama ng Lungsod Quezon, nahirang bilang pinakamagaling na Mayor sa buong Pilipinas, ang mahal nating Mayor Sonny Belmonte. Siyempre, nais ko ding batiin ang pangalawang ama natin, ang aming magaling na presiding officer, Vice Mayor Bistek Bautista. Nais ko ring magbigay galang sa mga kasamahan kong mga konsehal na nandito ngayong umaga, ang ating mga Department Heads at lahat ng mga kawani ng pamahalaang lungsod.
Siyempre, gusto ko rin pong batiin ang aking mga “pala” ngayong umaga … ang aking mga staff, mga Tambuli members at ang mga street sweepers … na pinangungunahan ng para sa akin, ang pinakamagaling at pinaka-magandang naging konsehal ng Q.C. … ang responsable kung bakit nandirito ang ngayon sa inyong harapan (both literally and figuratively), walang iba kundi ang aking mahal na ina, Konsehala Tita Beth Delarmente.
Noong nakaraang linggo, ako ay nahalal bilang Chairman ng Committee on Environment, Parks and Ecology. Patuloy akong nakikipag-ugnayan sa Environmental Protection and Waste Management Department na pinangungunahan ng ating masipag ng Head na si Madam Techie Rentoy, na siyang patuloy na pinapangalagaan ang pag-linis at pagpapaganda ng ating lungsod.
Ngayong taon, maraming kaming naka-planong mga proyekto upang lalo pang mapalinis ang ating lungsod, at upang makatulong na rin tayo upang matugunan ang problema ng mundo ukol sa Global Warming.
Patuloy ang aming kampanya sa proper Solid Waste Management. Noong nakaraang linggo, napangalanan na ang ating mga mascot sa Bawas Basura project, at puspusan ang ating kampanya sa mga tahanan at paaralan tungkol dito. Noong nakaraang linggo din, kasama si Mayor Belmonte at Secretary Angelo Reyes, nagkaroon tayo ng ground breaking ceremony sa Payatas kung saan gagawin na ang Controlled Disposal Facility Biogas Emission Reduction Project – na siyang gagamit ng methane gas mula sa mga basura sa Payatas na maaaring mapag-kunan ng energy para magamit sa kuryente. Puspusan din ang ating kampanaya na sumusuporta sa Clean Air Act. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na rin natin ang paggamit ng mga biofuels na maaaring magamit natin sa ating mga sasakyan at hindi nakasasama sa ating kapaligiran.
Sa kasalukuyan, pumapangalawa lang tayo sa
Tayo, bilang mga empleyado ng “puso” ng Q.C., ang City Hall … sana ay tayo ay magkaroon ng responsibilidad at initiative umang masimulan ang ating adhikain. Sa ating maliliit na paraan sa mga opisina at departamento… ang pag-segregate ng basura, ang pag tipid sa kuryente, ang pag Reduce, Reuse and Recycle ay makakatulong tayo. Tayo mismo ang magsilbing ehemplo sa ating mga pamilya ang sa mga mamamayan ng
Bilang pangwakas, nais ko pong magpasalamat … bilang isa sa 5 baguhang konsehal, maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa amin. Nakasisisgurado ako na kami po ay handang-handa at sabik na sabik na maglingkod sa ating lungsod. Maraming maraming salamat po.
Mula sa Puso ni Konsehala Doktora Doray, kapit kamay po tayo tungo sa isang masaya, mapayapa, maunlad ang higit sa lahat … malusog at malinis na Lungsod Quezon. Maraming salamat po.
